Ginang, Arestado sa kasong Pagnanakaw sa Quezon, Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang babae matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ruby Cabico, nasa tamang edad, walang asawa at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon Police Station, inaresto ang ginang matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Salvador Timbang Jr. ng RTC Br. 253 Las Piñas City para sa kasong Qualified Theft.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P24,000.00.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments