Ginang, Arestado sa Kasong Pagnanakaw!

110

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang ginang matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito kahapon sa Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela .

Kinilala ang akusado na si Amy Almazan, 34 anyos, may asawa at residente sa nasabing barangay.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Amy, inalok ito na maging collector ng mga pautang ng mismong nagsampa ng kaso na nagngangalang si Boy Casimiro na residente ng Brgy. District 2, Cauayan City at dahil sa mahina umano ang singilan ng mga pautang ay pinagbintangan umano ito na ninakaw ang may kabuuang 1.13 million pesos.

Batay sa ipinalabas na mandamiento de aresto ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Br.20 Cauayan City, Isabela ay inaresto si Almazan dahil sa kasong Qualified Theft na may criminal case # 20-12645.

Inirekomenda naman ng korte ang halagang P90,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cauayan ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments