Ginang, Arestado sa Pagnanakaw!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang ginang matapos itong magnakaw ng iba’t ibang paninda mula sa isang kilalang mall sa lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang suspek na si Kristine Ann Malabad, 31 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, pasado alas kwatro ng hapon kahapon n ang magtungo ang suspek sa nasabing mall partikular sa department store at kumuha ng iba’t ibang gamit gaya ng pacifier, Diaper, at puzzle ball para sa stroller umano ng kanyang anak na may kabuuang halaga na mahigit P700 pesos.


Hinuli si Malabad nang wala itong maipakitang resibo sa security guard para sa kanyang mga kinuhang items.

Ipinasakamay naman sa pulisya si Malabad para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments