GINANG AT KALAGUYO NITO, ARESTADO MATAPOS MAAKTUHANG NAGSASAMA NA PALA

Arestado ang Isang Ginang kasama ang kalaguyo nito matapos silang mahuli sa akto na nagsasama na pala sa bayan ng Anda.
Ang Ginang at ang sinasabing kalaguyo nito ay pawang mga taga bayan ng Sual.
Mismong asawa ng Ginang ang humingi ng tulong sa Brgy. Officials at PNP upang ipaaresto ang kanyang asawa at kalaguyo nang makitang nagsasama na nga ang mga ito sa bahay ng kanyang kalaguyo.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag message sa complainant ay ang pamangkin nito dahil sinasabing nagsasama na ang misis nito at kalaguyo sa bayan ng Anda kung saan naabutan pa ang mga ito ng puntahan.
Dito na inaresto ang dalawa at agad na itinurn over sa Sual PNP kung saan ay nahaharap ang mga ito sa kasong Adultery. |ifmnews
Facebook Comments