Ginang, Binaril ng Bayaw!

2199

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang isang Ginang matapos na barilin ng mismong bayaw sa Sitio Turod, Brgy Cabannungan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marnie-Ann Paguirigan, nasa hustong gulang habang ang suspek na bayaw nito ay si Noel Paguirigan, 35 anyos, magsasaka at kapwa residente ng nasabing lugar.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Corporal Salvador Tuppil, imbestigador ng PNP Ilagan City, nagkaroon umano ng alitan ang biktima sa asawa ng suspek at nang awatin ng suspek ang dalawa ay nainsulto umano ang suspek sa sinabi ng biktima.

Dahil dito ay naglabas ng improvised Cal 22 na baril ang suspek at ipinutok ng isang beses sa kaliwang bahagi ng katawan ng biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril kagabi subalit sumuko rin ito sa mga otoridad bandang alas 9:00 kaninang umaga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers