Ginang Celia Veloso, sinubukang humarap kay Pangulong Duterte para idulog ang kaso ng kanyang anak na si Mary Jane Veloso

Manila, Philippines – Nagpunta ng Palasyo ng Malacañang si ginang Celia Veloso para makiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na idulog kay Indonesian President Joko Widodo na pakawalan o bigyan ng clemency ang kanyang anak na si Mary Jane Veloso.

Matatandaan na si Mary Jane Veloso ay nakulong sa Indonesia matapos itong mahulihan ng iligal na droga, gumawa na rin ng paraan ang nakaraang administrasyon para mapakawalan si Veloso na una nang nakapila sa death row pero ito ay hindi naituloy.

Sa interview kay Ginang Veloso ay sinabi nito na humihiling sila sa Indonesian Embassy sa Pilipinas na habaan pa ang pasensiya at hintayin ang resolusyon ng kaso dito sa Pilipinas at sana aniya iapela ni Pangulong Duterete sa Indonesia na mabigyan ng clemency si Veloso.


Kasama ng grupong Migrante si Ginang Veloso nang ito ay magpunta sa Malacañang pero hindi nito nakausap ng personal si Pangulong Duterte pero nakausap naman ng mga ito kay Presidential Adviser for OFW Secretary Abdula Mamau na tiniyak na gagawa ng mga nararapat na aksyon sa kanilang hinaing.

Matatandaan na si President Widodo ay magkakaroon ng state visit sa darating na Biyernes at inaasahang magkakaroon ito ng bilateral meeting kay Pangulong Duterte.
DZXL558

Facebook Comments