GINANG EAST TABACAL, TAMPOK SA PATRONAL FIESTA NG CARABATAN PUNTA

CAUAYAN CITY- Isa sa inaabangan na patimpalak sa kapistahan ng Brgy. Carabatan Punta ay ang search for Ginang East Tabacal 2024.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Romeo Ricardo, pitong Ginang mula sa iba’t-ibang barangay ng East Tabacal ang kumasa sa nasabing patimpalak.

Aniya, simula noong nagka-pandemic ay ngayon muli ipinagdiwang ang kapistahan nila kaya naman pingahandaan at ginawa nilang kapapanabik ang kanilang pista.


Dagdag pa niya, kasabay din ng nasabing programa ang Gawad ng Parangal na dadaluhan ng mga City Officials ng Cauayan.

Samantala, mahigpit na seguridad naman ang ipapatupad sa pagdarausan ng Ginang East Tabacal 2024 upang masiguro na maayos at mapayapa ang magaganap na patimpalak.

Facebook Comments