Ginang, Huli sa Pagnanakaw ng Grocery items!

365

*Cauayan City, Isabela-* Arestado ang isang Ginang matapos na magnakaw ng ilang grocery items partikular sa Talavera Hypermart sa palengke ng Lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang suspek na si Lourdes Lucas, 48 anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.


Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan na nagtungo sa supermarket ang suspek upang mamili ng kanyang mga paninda sa kanyang tindahan nang makita ito sa kuha ng CCTV na inilagay sa loob ng kanyang shoulder bag ang mga kinuhang mga item.

Agad na nilapitan ang Ginang at hinanapan ng resibo subalit wala itong maipakita na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang dalawampu’t anim (26) na pakete ng sigarilyo, mga palaman at colored juice na may kabuuang halaga na P1,000.00.

Dinala na sa Cauayan City Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers