Ginang, inireklamo ang kulang nailuwal na pera ng isang ATM

Manila, Philippines – Nagreklamo ang isang ginang dahil kulang ang nailuwal na pera ng Automated Teller Machine (ATM) ng isang bangko noong Abril.

Ayon kay Christine Pineda – Metrobank ang kanyang bangko pero nagwithdraw siya sa Banco De Oro (BDO) ATM sa isang grocery.

Aniya, 10,000 pesos ang kanyang wini-draw pero tatlong libo lang ang lumabas.


Dumating pa aniya sa punto na tila pinagdudahan siya sa claim niyang 3,000 pesos lang ang lumabas sa ATM.

Naibalik naman nitong kalagitnaan ng buwan ng Metrobank ang kulang na pitong libong piso kay Christine.

Sa statement ng Metrobank, nakipag- coordinate pa sila sa BDO nang imbestigahan ang reklamo.

Kinumpirma naman ng BDO na na-credit na ang pera sa kliyente at humingi sila ng paunmanhin.

Facebook Comments