Ginang Mula Cavite na Na-Stranded sa Isabela, Nanawagan para Makauwi!

Cauayan City, Isabela- Humihingi ng tulong ang isang Ginang para makauwi sa kanyang tahanan sa Lalawigan ng Cavite.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa nagngangalang ‘Potrisharies’, Chairman umano ng Citizens Crime Watch Tribal Community sa Luzon, Visayas at Mindanao, mayroon aniya itong inasikasong kaso partikular sa brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Hindi na siya nakabalik sa Cavite dahil hindi aniya nito inasahan na maaabutan ng Enhanced Community Quarantine.


Problema din aniya nito kung saan siya kukuha ng panggastos sa kanyang mga pangangailangan habang siya’y nandito sa Lungsod.

Pansamantalang nanunuluyan ngayon ang Ginang sa brgy San Fermin.

Ayon naman kay Kagawad Leonard Adam ng brgy. San Fermin, tutulungan nila ang Ginang sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa kanya.

Facebook Comments