
Natagpuang wala nang buhay at palutang-lutang sa ilog ng bayan ng Quezon, sa probinsya ng Bukidnon, ang isang ginang na kabilang sa natangay ng malakas na tubig-baha sa Valencia City noong nakaraang buwan ng Setyembre
Matapos ang 17 araw na retrieval operations ng mga awtoridad, natagpuan na sa wakas si alyas “Dina”, 48-anyos na residente ng Purok 13, Valencia City, Bukidnon.
Kabilang si alyas “Dina” sa walong indibidwal na natangay ng malakas na tubig-baha noong Setyembre 17, kung saan unang natagpuan ang limang indibidwal na wala nang buhay.
Sa ngayon, patuloy pa ang retrieval operations bagama’t may dalawa pang naitalang missing, kabilang na ang isang dalawang taong gulang na batang babae at isang lalaking senior citizen.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Valencia City ang karampatang tulong para sa pamilya ng mga biktima.







