Ginang na Drayber ng Motorsiklo patay sa salpukan San Carlos City

Patay ang isang ginang matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang HiAce van na minamaneho ng isang retired army sa San Carlos City, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Maria Theresa Silvestre, kwarentay sais anyos, businesswoman at residente ng Brgy. Cayaoan, Camiling. Habang ang nasabing van ay minamaneho ni Pepito Roallos, saisentay dos anyos, retired army at residente ng Bautista ng nasabing probinsiya.
Ayon sa imbestigasyon habang binabagtas ng biktima ang patimog na bahagi ng daan na siya namang nasa kabilang linya ang van ay biglang bumangga ang motorsiklo na nawalan ng kontrol.
Dinala ang ginang na drayber ng motorsiklo sa Pangasinan Doctor’s Hospital sa Brgy.Rizal San Carlos City ngunit idineklara itong dead on arrival. Samantala dinala ang drayber ng van sa Pangasinan Provincial Hospital para sa mga ilang eksaminasyon at inihahanda ang kaso na isasampa laban sa suspek.
Nasa pangangalaga na ngayon ng pulisya ang mga sasakyan at nasa ospital pa din ang bangkay para i-autopsy upang malaman ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments