Cauayan City, Isabela- Ipinagpapasalamat ng ilang residente ng Barangay Mabini sa Santiago City ang biyayang kanilang natanggap mula sa isang indibidwal na Good Samaritan.
Ayon kay Ginang Sarah Jane Santos, hindi alintana sa kanya ang gastos dahil giit niya kahit na hindi karangyaan ang kanilang buhay ay hindi nito matiis ang sitwasyon ng kanyang mga kabarangay.
Hindi rin niya kinakailangan na magpakuha ng litrato para makita lang ng iba ang kanyang ginagawang pagtulong.
Una na siyang nagpamahagi ng grocery packs gaya ng bigas, can goods, at iba pa.
Nagpasalamat din si Santos sa mga boluntaryong nagbigay ng tulong upang maging daan siya na ipamahagi ang mga ito sa mga pamilyang walang mapagkukunan ng pagkain sa araw-araw.
Katuwang din nito ang ilang indibidwal na miyembro ng Lesbian Gay Bisexual and Transgender (LGBT) sa pamamahagi ng tulong sa mga residente.
Nag-iwan din ito ng paalala sa kanyang mga kabarangay na hindi sukatan ang katayuan sa buhay para tumulong kundi ang kagandahaang loob na maibabahagi sa kapwa.