Ginang na may kasong kidnapping kalaboso

General Santos City—kalaboso ang isang ginang na mayroong kasong kidnapping at Serous Illegal Detention sa isinagawang Joint operation ng Police Station 2, Gensan City Police Office, City Intelligence Branch, Anti Kidnapping Group Cotabato at Davao sa Prk. Sta. Cruz, Silway, Barangay West Gensan.

Kinilala ang suspek na si Emily Pedtukasan alias “Princess Montalia”, gumagamit din ito ng mga Alias na Tata, Irene at Sheika Mala, residenti ng nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of Arrest sa kasong kidnapping at Serious illegal Detention na kinahaharap nito.


Hindi narin pumalag ang suspek ng itoy posasan ng mga Police nang syay nadatnan sa pamamahay nito sa Barangay West. sa ngayon ang nasabing suspek sa nasa kustudiya na ng Pulisya.

Facebook Comments