Ginang na Most Wanted sa City of Ilagan, Natimbog!

245

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 8 Most wanted person sa Lungsod ng Ilagan matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. San Felipe ng nasabing Lungsod.

Ang akusado ay nakilalang si Lailani Balisi, 49 anyos, byuda at residente ng Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), si Balisi ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Homicide.

Ang kanyang kaso ay may kaukulang piyansa na P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng PNP Ilagan City ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments