Ginang na nagbebenta ng kaniyang sariling anak, pinaghahanap sa Caloocan City

45

Manila, Philippines – Pinaghahanapngayon ng mga awtoridad ang isang ginang dahil sa pagbebenta ng kaniyangsariling anak sa Caloocan City.
 
Kinilala ang na ginang na si OfeliaDela cruz, na nag-iwan ng sanggol sa isang babae na dumalaw sa Caloocan CityJail.
 
Ayon kay May Joy Arabis, nakita niyasi Dela Cruz na dala ang sanggol sa nabanggit na kulungan nang dumalaw siladoon noong Mayo 5.
 
Aniya, naki-usap sa kaniya si DelaCruz na pansamantalang iiwan ang sanggol dahil pinalayas na sila sa kanilangtinitirhan at inalok din na ipaaampon sa kaniya.
 
Dahil sa kagustuhan na magkaroon nganak, pumayag si Arabis na kunin ang sanggol at muli na lang silang mag-uusappara sa pera para magamit nitong pampuhunan.
 
Pero naghinala aniya siya napinagkakaperahan ni Dela Cruz ang sanggol kaya dumulog siya sa barangay atipina-blotter ito.
   
Sa imbestigasyon naman ng Brgy.Apolonio Samson, lumabas na una nang dinala ni Dela Cruz ang sanggol sabarangay Longos sa Malabon.
 
Ibinebenta anila ang bata sahalagang P500 at idinahilan din na wala itong matirhan.
 
Hindi naman naaresto noon si DelaCruz dahil bigla rin itong umalis nang natunugan na tumawag na ang brgy. sapulis.
 
Napag-alaman din na may kakambal angsanggol pero nasawi na ito ng kagatin ng daga ang ulo ng bata nang iwan sila ngkanilang ina sa isang kahon.
 
   

Facebook Comments