Ginang na nagpabakuna kontra COVID-19 sa Pampanga, wagi ng baka!

May nanalo na –– ng baka!

Isang residente sa San Luis, Pampanga ang nanalo ng baka matapos magpabakuna kontra COVID-19.

Siya ay si Melania Sarmiento ng Barangay Sta. Catalina.


Inanunsyo ito ng lokal na pamahalaan sa Facebook livestream noong Linggo, August 1, kung saan personal na inihatid ang napanalunang baka sa bahay ni Sarmiento.

Ang raffle na “Baka Para sa Bakuna” ay pakulo ng Local Government Unit (LGU) para mahikayat ang mga residente nito na magpabakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments