GINANG NA NAGTANGKANG MAG-SHOPLIFT SA SAN FABIAN, NASAKOTE SA METAL DETECTOR

Nasakote ang isang ginang na nagpanggap na customer sa tangka nitong pagnanakaw sa isang shopping center sa San Fabian, Pangasinan matapos mabisto ng metal detector ang ilang produktong itinago sa loob ng kanyang damit.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isinilid umano ng suspek ang ninakaw na 150 metro ng wire sa kanyang palda at dalawang bote ng massage oil sa loob ng damit.

Kabuuang P4, 460 ang halaga ng mga naturang produkto.

Habang palabas ang suspek, tumunog ang metal detector sa establisyimento, dahilan upang lapitan ng security guard ang suspek at mahulog ang itinagong wire sa kanyang palda.

Agad namang inaresto ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments