𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Patay na ang isang trentay syete anyos na ginang maging ng sanggol sa sinapupunan nito nang matagpuan sa bayan ng Asingan.
Ang biktima ay nakilalang si Jocelyn Paringit residente ng Barangay Poblacion East sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nakita ang nasabing biktima na pitong buwang buntis din pasado alas siyete ng umaga na naglalaba ng mga kumot sa batis sa kanilang lugar.

Pasado alas onse ng Umaga naman nang makita nang nakalutang na ang katawan nito sa nasabing batis bagamat hanggang tuhod lang ang lalim nito.
Agad naman itong isinugod sa pagamutan sa Asingan subalit ng makitang walang vital signs ay dinala ito sa Urdaneta upang I cesarean Sana subalit idineklarang Dead on Arrival ito maging ng sanggol na ipinagbubuntis nito.
Ayon sa mga kaanak nito, dumaranas ng hypertension ang biktima na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments