Ginang na Positibo sa COVID-19, Namatay

27

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng Provincial Health Office na nakapagtala muli ng isang COVID-19 related death ang probinsya ng Isabela.

Ang nasawi ay isang 45 taong gulang na babae na mula sa San Mariano, Isabela na binawian ng buhay noong gabi ng Pebrero 6, 2021 at nabatid na mayroon itong kasalukuyang comorbidity.


Ayon sa tala ng DOH RO2, walang naging travel history ang nasawi subalit mayroon itong exposure sa COVID-19 positive.

Nakaranas din ito ng mga sintomas gaya ng lagnat, pag-uubo, panghihina ng katawan, nausea, pagsusuka, diarrhea, chills at hirap sa paghinga.

Siya na ang pang 81 na nasawi na naitala ng probinsya.

Facebook Comments