Ginang na umano’y nagnakaw sa tindahan, pinagbabaril sa Negros Oriental

258

Patay sa pamamaril ng riding in tandem ang isang babae sa Bayawan City, Negros Oriental, Huwebes ng umaga.


Kinilala ang biktima na si Gia Parojinog, 53-anyos.

Ayon kay Bayawan Police Chief Mtr. Sgt. Edilberto Euraba, naglalakad lang sa kalsada si Parojinog nang tabihan ng motorsiklo saka binaril ng sakay nito.

Napaulat na sangkot umano ang biktima sa insidente ng pagnanakaw sa isang tindahan sa Sta. Calina.

Gayunpaman, hindi pa tiyak kung may kinalaman ang insidente sa motibo ng pagpatay.

Patuloy ang imbestigasyon dito ng pulisya.

Facebook Comments