Ginang na Wanted sa Batas, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Timbog ang isang Ginang na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasado alas singko ng hapon, Mayo 30, 2019 sa Canciller Avenue, District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Teresita Rosario, 48 anyos, residente ng Malasin, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, hinuli si Rosario sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Eric Banasan ng MTC, San Mateo, Isabela.


Si Rosario ay nahaharap sa kasong Grave Threat na may inirekomendang piyansa na P36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa Cauayan City Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments