Ginang na wanted sa batas, Arestado!

77

Alicia, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang isang ginang sa kasong Attempted Homicide matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas onse ng umaga sa Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Anabelle Andres Butac, kwarentay dos anyos, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Alicia si Butac sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Lornabeth R. Tutaan-Ucol ng MTC Alicia, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP Alicia ang akusado habang may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P36,000.00.

Facebook Comments