Ginang na Wanted sa Batas, Huli sa Quezon, Isabela!

*Quezon, Isabela- *Huli ang isang Ginang na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito kahapon sa Brgy. Abut, Quezon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jocelyn Valdez, 50 anyos, at residente ng Brgy Abut, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Quezon si Valdez dahil sa kaso nitong paglabag sa Batas Pambansa Blg 22 o Anti-Bouncing Checks Law.


Ito ay sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Charlotte Fraulein Garci-Lambino ng MTC Bambang, Nueva Vizcaya.

Pansamantalang makakalaya si Valdez kung makakapagpiyansa ng halagang tatlong libong piso.

Facebook Comments