GINANG NA MAY PENDING NA KASO SA DAGUPAN CITY, NAHULIAN NG SHABU NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT DALAWANG DAANG PISO

Arestado ang isang may ari ng tindahan sa Dagupan City matapos ang ikinasang buy bust operation laban dito.
Ang suspek ay nakilalang si Sharon Aquino, residente ng Herrero Perez sa nasabing lungsod.
Ikinasa ang buy bust operation laban dito pasado alas-kwatro ng madaling araw, sa bahagi ng Bonuan Binloc na nagresulta sa pagkumpiska ng siyam na sachet ng hinihinalang shabu.

Ang nakumpiskang ipinagbabawal na gamot ay tumitimbang ng 35 gramo at nagkakahalaga humigit kumulang tatlong-daang libong piso.
Ang nasabing suspek ay ilang beses na rin umanong nahuli dahil sa illegal drugs, kung saan ay may tatlo itong pending case sa iba’t-ibang korte sa Pangasinan, maging sa Maynila.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments