Ginang, napaanak sa eroplano habang nasa kalagitnaan ng biyahe

(Picture from Unsplash)

Isang babae mula Thailand ang napaanak sa loob ng eroplano habang nasa kalagitnaan ng paglipad rason para lumihis ito ng ruta noong Pebrero 3.

Patungo sana ng Bangkok Thailand ang Qatar Airways plane galing sa Doha nang makaramdam ng pananakit ng tiyan ang ginang bandang alas tres kaya nagpasyang lumapag ang eroplano sa Kolkata, India.

Nagsilang ng malusog na sanggol na lalaki ang ginang sa tulong ng isang nakasakay na doktor kasama ang limang trained crew members ng eroplano.


Sa report ng India Today, nakababa ang sasakyan bandang 3:15am kung saan agad na isinugod sa ospital ang mag-ina sa tulong ng awtoridad.

Samantala, humingi naman ng pamaunahin ang spokesperson ng Qatar Airways sa biglaang paglapag ng eroplano.

“We apologise for any inconvenience caused by the diversion. All passengers were assisted upon arrival into Bangkok to ensure smooth onward connections to their final destination,” anito.

Kaugnay nito, hindi ito ang kauna-unahang may nagsilang ng sanggol habang nakalipad ang eroplano mula Doha.

Naiulat noong Hulyo nakaraang taon, isang pasahero ang nagsilang ng batang babae sa banyo ng Middle East Airlines kaya lumihis ito patungong Beirut.

Noon ding Pebrero 2019, isinilang ang isang batang lalaki sa jetBlue flight galing Puerto Rico patungong Florida.

Facebook Comments