Patay ang isang ginang habang nasa mabuting kalagayan ang dalawang anak nito matapos silang malunod sa Lingayen Beach.
Ang biktima ay nakilalang si Maricris Ramos, residente sa bayan ng Basista.
Sa imbestigasyon ng PNP, pasado alas-onse ng umaga habang naliligo ang mga ito kasama ang kanyang dalawang menor de edad na anak nang bigla silang tangayin ng alon.
Agad na nagsagawa ng Search and Rescue Operation ang WASAR Team kung saan ay unang nakita ang dalawang anak nito na agad nilapitan ng paunang lunas at nasa mabuting kalagayan.
Samantalang nahuli namang nakita ang ginang.
Isinugod ito sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival na ito. |ifmnews
Facebook Comments