Ginang, Patay Matapos Tumbukin ng Truck!

Ramon, Isabela- Dead on the Spot ang isang ginang matapos hagipin ng isang forward truck bandang alas otso kaninang umaga sa barangay Oscariz, Ramon, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Elvira Domingo, singkwentay kwatro anyos at residente ng purok uno Oscariz, Ramon, Isabela habang ang suspek at tsuper ng truck ay kinilalang si Judy Ugoy, trentay syete anyos at residente ng Diffun, Quirino.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay PO2 Joel Manzano Nastor ng PNP Ramon, pinilit umanong tumawid ng biktima sa lansangan kahit nakita umano nito ang papalapit na forward truck.


Dahil sa bilis nang pagpapatakbo ng suspek ay nahagip nito ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Kusa namang sumuko sa mga pulis ang suspek na mahaharap sa Kasong Homicide at dinala na ito sa himpilan ng pulisya maging ang kanyang minamanehong sasakyan.

Facebook Comments