Ginang, patay sa coronavirus ilang minuto matapos mailabas mula sa ospital

6748

QUEENS, New York City – Patay ang 71-anyos na babae dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ilang minuto matapos mailabas sa ospital.

Ayon sa ulat ng mga pulis sa The Post, nadischarge si Carolyn Frazier mula sa Presbyterian Queens Hospital noong Biyernes bandang alas 10:00 a.m.


Sakay ng isang pribadong ambulansya ay inihatid ang ginang sa kanyang bahay at pagdating doon ay binawian ito ng buhay.

Nasawi si Frazier noong 10:14 a.m., ilang minuto lamang nang makaraan nitong lisanin ang ospital.

Samantala, wala namang inilabas na pahayag kung bakit iniuwi ang ginang sa kabila ng resulta mula sa mga doktor.

Facebook Comments