Ginang, Pinagbabaril-Patay sa Cordon, Isabela!

*Cordon, Isabela- *Patay ang isang Ginang matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang 9:40 kaninang umaga sa Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Requino Bulanit Dacmeg, 45 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan sa PNP Cordon, Isabela, galing sa palengke ang biktima matapos mamili ng ulam at nang makarating sa gate ng kanyang bahay ay biglang dumating ang mga suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.


Agad na tumakas sa hindi pa mabatid na direksyon ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Naisugod naman sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo at bala ng Caliber 45 at M16.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Cordon hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments