Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang bente nuebe anyos na ginang matapos itong pagsasaksakin ng tricycle driver na nagtangkang gumahasa sa kanya sa Alaminos City.
Ang biktima ay nakilalang si Faye Lomibao habang ang suspek naman ay nakilalang si Jimmy Mansano parehong residente ng bayan ng Dasol.
Ayon sa imbestigasyon, na regular na umanong nasasakyan ng biktima ang suspek papunta sa trabaho nito sa Alaminos City at pauwi ng bayan ng Dasol.
Naganap ang insidente habang pauwi ang dalawa sakay ng tricycle ang biktima ng magsabi ng kanyang pagkagusto ang suspek sa biktima at naglabas ng kutsilyo.
Sa takot ay napasigaw para humingi ng tulong ang biktima kung saan ay dito na pinag sasaksak ng suspek ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nang mapansin ng suspect na may mga padating na mga tao ay dali – dali itong tumakas sakay ng tricycle at iniwan doon ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan.
Nagtamo ito ng saksak sa kaliwang kamay at paa at sa kanang bahagi ng tagiliran na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na naka confined habang pinaghahanap pa ang tumakas na suspek. |ifmnews
Facebook Comments