Arestado ang isang ginang sa bayan ng Bayambang matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong less serious physical injuries.
Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang pag-aresto noong gabi ng Enero 12, 2026 sa Barangay Castaña, Pozorrubio, Pangasinan, sa magkasanib na operasyon ng Bayambang Municipal Police Station at 105th Maneuver Company ng RMFB1.
Nakasaad sa warrant of arrest ang inirekomendang piyansa na ₱5,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Dinala muna ang akusado sa Bayambang District Hospital para sa pisikal na eksaminasyon bago inilipat sa Bayambang Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kaso.
Facebook Comments







