Dead on The Spot ang isang bente nuebe anyos na ginang matapos itong mabangga at magulungan pa ng isang bus sa bayan ng Binalonan.
Ang biktima ay nakilalang si Sarah Jane Paringit, residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, Naganap ang aksidente pasado alas dose ng tanghali habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng National Highway sa Brgy. Bued sa nasabing bayan at kasunod ang isang bus na minamaneho ng isang Stephen Fiarawe.
Bigla umano nahagip ng bus ang motor ng biktima at pagkatumba nito at sa kasamaang palad ay nagulungan ng nasabing bus ang biktima na dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Nasa kustodiya naman na ngayon ng PNP ang driver ng bus at nahaharap na sa kaukulang kaso. |ifmnews
Facebook Comments