Kritikal ang Isang singkwentay siyete anyos na ginang matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay sa bayan ng Binalonan.
Ang biktima ay nakilalang si Julita Delos Reyes samantalang ang suspek ay nakilalang si Jhonny Jandoc parehong residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nagtalo ang Dalawa pasado alas dos ng Hapon sa kanilang lugar kung saan ay bigla umanong umuwi ang suspek subalit paglabas ay may dala dala na itong patalim at agad na pinagsasaksak ang ginang sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Isinugod naman agad sa pagamutan ang biktima habang tumakas ang suspek matapos ang insidente. |ifmnews
Facebook Comments