Ginang sa Isabela, Arestado sa Paglabag sa RA 7610!

Delfin Albano, Isabela – Arestado ang isang ginang sa Brgy. Visitacion, Delfin Albano sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse ngayong araw ganap na alas singko ng hapon.

Kinilala ang akusado na si Beverly Magundayao, limampu’t apat na anyos, may asawa, walang trabaho, at residente sa nasabing lugar.

Nadakip si Magundayao sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni hukom Felipe Jesus Torio ng Regional Trial Court Branch 22 Cabagan, Isabela noong ika- 1 ng Hulyo, 2019.


Pansamantala umanong makalalaya ang nasabing akusado kung siya’y makakapagpiyansa ng nagkakahalagang 80, 000 pesos.

Dinala sa PNP Delfin Albano ang akusado para sa karagdagang dokumentasiyon.

Facebook Comments