GINANG SA MALASIQUI, PATAY SA PAMAMARIL

Patay sa pamamaril ang isang trentay dos anyos na ginang sa bayan ng Malasiqui.
Ang biktima ay nakilalang si Marilou Abalos Habang ang suspek naman ay si Arman Mendoza parehong residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motor ang biktima pasado alas singko ng hapon nang ito ay agad na pagbabarilin ng suspek.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival habang tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Hanggang ngayon ay patuloy pa ding hinahanap ang suspek upang malaman kung ano nga ba ang motibo ng pamamaril nito sa biktima.|ifmnews
Facebook Comments