Ginang sa Naguilian, Isabela, Huli sa kasong paglabag sa RA 7610!

214

Naguilian, Isabela – Arestado ang isang ginang matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas tres ng hapon sa Brgy. Burgos, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Femarie Agustin Eleptico, 37 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing barangay.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Naguilian si Eleptico matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Isaac De Alban, Presiding Judge ng RTC Branch 16, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o (An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination) sa ilalim ng criminal case number 21-9636.

Dinala na sa himpilan ng PNP Naguilian ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya si Eleptico kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansang P80,000.00

,

Facebook Comments

From Advertisers