Ginang sa US, pinatay ang 2 anak saka nagkitil ng buhay matapos umanong mawalan ng kustodiya sa mga ito

Binaril ng 38-anyos na ginang mula Texas, USA ang dalawang anak at sariling ina bago nagkitil sa sarili matapos umano itong mawalan ng kustodiya sa mga ito.

Nangyari ang insidente nito lang Lunes sa loob mismo ng tinutuluyang aparment ng mag-iina sa San Antonio.

Ayon sa pulisya, hindi pa malinaw ang motibo ng krimen ngunit pinaniniwalaang may kinalaman ang pagbabalik ng babae ng kanyang dalawang anak sa ama ng mga ito.


Matapos umano humarap sa korte ang dalawa ay nakatakda nang ibigay ng nanay ang 3-anyos at 5-anyos na anak sa tatay ng mga ito base sa report ni Police Chief William McManus.

Noong nagtungo raw ang naturang ama sa bahay ng mga anak, agad daw itong tumawag sa pulisya matapos matagpuan ang wala nang buhay na mga anak sa loob ng bahay bandang 8:30 ng umaga.

Kasama sa nasawi ang 68-anyos na ina ng suspek ngunit hindi naglabas ng mga pangalan ang pulisya.

Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ang eksaktong pinangyarihan ng krimen at kung ano ang nagtulak sa babae para patayin ang pamilya at ang sarili.

Facebook Comments