Ginang, Sugatan sa Pananaksak ng isang Magsasaka!

*Mallig, Isabela**-* Sugatan ang isang ginang nang saksakin ng isang lalaki pasado alas nuebe ng gabi, Enero 31, 2019 sa Brgy. San Pedro, Mallig, Isabela.

Ang biktimay kinilalang si Alma Tayoan, 53 anyos, may-asawa, residente ng nabanggit na lugar habang ang suspek ay si Rolando Vergiliza, 26 anyos, magsasaka at residente naman ng San Pedro, Mallig, Isabela.

Batay sa inisyal na report ng PNP Mallig, lumabas umano ang biktima sa kanyang bahay dahil sa kahol ng alagang aso nang bigla na lamang sinaksak ng suspek mula sa kanyang likod.


Isinugod naman sa pagamutan ang biktima para sa kanyang karampatang lunas matapos magtamo ng saksak sa braso.

Agad na tumakas ang suspek subalit kalauna’y natimbog rin ito ng mga rumespondeng pulis.

Nasa himpilan na ng PNP Mallig ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments