Ginang, Timbog sa 41 Counts na Kasong Pagnanakaw!

361

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na inaresto ng mga otoridad ang isang ginang dahil sa kasong pagnanakaw matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest pasado alas dose kaninang tanghali sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Frelyn De Vera Pabon, trentay otso anyos at residente ng Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City si Pabon sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Raul V. Babaran, Presiding Judge ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela dahil sa 41 Counts na kasong Qualified Theft.

Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Samantala, makakalaya lamang si Pabon kung makakapaglagak ng piyansang * P* 1,446,000.00.

Facebook Comments