Ginang, Timbog sa kasong Estafa at Illegal Recruitment

101

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang Ginang sa bisa ng warrant of arrest matapos arestuhin ng mga operatiba sa Brgy. Tuga, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang akusado na si Gladys Dulatre, 61-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.


Dinakip si Dulatre ng pinagsanib na pwersa ng TABUK CPS, PIB/DEU-KPP0, RID PRO COR, RIU 14, 3rd coy RMFB15, Dupax Del Norte MPS at CIDG- Kalinga dahil sa kasong Estafa at Illegal Recruitment.

Ipinalabas ni kagalang-galang hukom Jose Godofredo Naui, Presiding Judge, RTC 2nd Judicial Region Br.37, Bambang Nueva Vizcaya sa nakalipas na December 2009.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments