GINANTIHAN | Estados Unidos, nagpataw ng mabigat na taripa sa mga biggest trading partners nito

Amerika – Ininanusyo ni U.S. President Donald Trump na nagpataw ito ng mabigat na taripa sa steel at aluminum sa tatlo nitong trading partners – ang Canada, Mexico at ang European Union.

Ayon kay Commerce Secretary Wilbur Ross, base sa trade penalties, 25% ang taripa sa imported steel at 10% naman sa imported aluminum.

Hindi naman nagustuhan ng Mexico ang ginagawa ng Amerika at handa silang gumanti sa pamamagitan ng pagpataw din ng penalty sa mga produkto tulad ng baboy, prutas, keso at flat steel galing Amerika.


Nagbabala naman ang EU na magpatupad ng 25% na taripa sa mga US products tulad ng motorsiklo, denim, sigarilyo, cranberry juice at peanut butter.

Magpapatupad naman ang Canada ng taripa sa 12.8 billion dollars sa US exports.

Facebook Comments