GINANTIHAN? | Pagpatay kay Mayor Halili, posibleng ganti ng mga nabangga nito sa shame campaign

Manila, Philippines – Duda si House Committee on National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon na may kinalaman sa ‘shame campaign’ ni Tanauan Mayor Antonio Halili ang pagpatay dito kaninang umaga.

Nakilala kasi ni Halili sa ‘shame campaign’ nito kung saan ipinaparada sa publiko ang mga nahuhuling kriminal at mga gumagamit at tulak ng iligal na droga.

Giit ni Biazon, mahalagang malaman kung ang pagpatay kay Halili ay konektado sa anti-drug campaign ng Duterte administration at sa ‘shame campaign’ nito.


Pinatay aniya si Mayor Halili gamit ang sniper kung saan ito ay nangangahulugan na highly-skilled at well-trained ang gumawa nito at galing sa isang well financed operation.

Sakaling ang mga drug personalities na nakabangga ng Alkalde ang nasa likod ng pagpatay dito, maikukunsidera itong escalation ng kampanya sa totoong gyera dahil ang mga drug syndicates na ang gumaganti.

Hinikayat ni Biazon ang mga otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagpaslang sa Alkalde para malaman ang motibo at kung sino ang mastermind sa pagpatay.

Facebook Comments