GINAWA ANG LAHAT | DOH, positibo sa performance ng kanilang kagawaran noong 2017

Manila, Philippines – Sa kabila ng mga kontrobersiya na kinaharap ng Department of Health (DOH) sa taong 2017, nananatiling positibo si Health Secretary Francisco Duque III, na nagawa nila ang kanilang makakaya upang paglingkuran ang taong bayan.

Ayon sa kalihim, ilan sa mga highlight ng mga naisulong nila noong 2017 ay kinabibilangan ng paglalagda ng Pangulo sa Executive Order No. 12 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Services, Executive Order No. 26 o Nationwide Smoking Ban, at Executive Order No. 28, o ang pagri-regulate ng Pyrotechnic Devices o mga paputok.

Sinabi ni Duque, na bagamat may mga pagsubok silang kinaharap noong 2017, tulad ng issue sa Dengvaxia vaccine at ang mga mae-expire na na contraceptives ngayong taon, nananatili ang serbisyong publiko ng DOH, at makakaasa aniya ang mga Pilipino na mas pagbubutihin pa nila ang paglilingkod ngayong 2018.


Facebook Comments