Ginawang 120 bed capacity quarantine area sa loob ng Camp Crame, sisimulan nang gamitin

Isasagawa na ngayong araw ang blessing at turn over ceremony ng 120 bed capacity Mega Emergency Quarantine Facility na donasyon ng SM group sa Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, itinayo ang quarantine facility sa parade ground na nasa loob ng Camp Crame.

Aniya, tapos na ito at handa na para gamitin sa mga susunod na araw kung saan prayoridad ay ang mga pulis na may sintomas ng COVID-19.


Una nang sinabi ni PNP Chief na magkakaroon na rin sila ng COVID 19-testing center sa Camp Crame at nagsasanay na rin ang apat na miyembro ng PNP health Service para maitalaga sa ginagawang COVID testing Center.

Ginagawa raw ng PNP ang pagtatayo ng sariling quarantine facility at COVID-19 testing center para hindi na makadagdag pa sa iintindihin sa mga ospital at mga quarantine facilities ng gobyerno.

Facebook Comments