Ginawang bandalismo ng grupo ng mga kabataan sa Lagusnilad, inulan ng batikos pero ang grupo, dumipensa!

Dumipensa ang grupo ng mga Kabataan matapos ang ginawang vandalism sa Lagusnilad Underpass.

Iginiit ng grupong Panday Sining, mas mahalaga ang mga isyu at problema sa bansa kaysa sa kanilang nagawa.

Humingi sila ng pang-unawa ng publiko pero nanindigan sila na dapat matalakay ang mga isyu gaya ng kahirapan, patayan at pag-atake sa mga kritiko.


Matatandaang inulan ng batikos mula sa mga netizens ang ginawa ng grupo, maging si Manila MAYOR Iskor Moreno ay nagalit sa ‘graffiti’ dahil kakalinis lamang ng nasabing underpass.

Ayon kay Mayor Moreno, ipapadila niya sa mga taong nagsulat sa Underpass ang ginawa ng mga ito sa pader.

Kabilang sa mga isinulat ng grupo ang pagtaas ng sweldo at pagbaba ng presyo ng mga bilihin gayundin ang pagtutol sa Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments