Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Lobo Batangas at ng Seagate engineering and buildsystems, isang Filipino Company ang ginawang dredging ng isang M/V Emerald na sakay ang mga chinese nationals at Indonesians sa Marine protective area ng Lobo Batangas.
Ito ang kinumpirma ni Southern Luzon Command Commander Lt Gen Gilbert Gapay.
Sinabi ng opisyal isang kontrata ang inaprobahan ng Lobo LGU at Seagate Engineering and buildsystems para makapagsagawa ng Dredging at Desilting ng Lobo river ang nasabing sasakyang pandagat
Pinayagan rin daw ng Philippine Ports Authority o PPA ang pagtungo ng Chinese vessel sa Lobo Batangas.
Nagsimute rin daw ng Special Permit for Utilization ang Maritime Indusrty Authority.
Sa report ng PNP Batangas Alas singko ng hapon noong March 29 nang ireport ng mga brgy officials sa mga pulis ang ginagawang dredging ng isang chinese vessel sa Karagatan ng Lobo Batangas.
Sakay nito ang syam na crew na pawang mga chinese.