Ginawang pag-aaral ng DOJ hinggil sa pagbasura ng VFA sa pagitan ng Pilipinas at US, isusumite na sa Malakanyang

Isusumite na ngayong Linggo ng Department of Justice (DOJ) sa Malacañang ang resulta ng ginawang pag-aaral sakaling tuluyang mabasura ang visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at US.

Kasunod ito ng utos ng Palasyo sa DOJ na magsagawa ng preliminary impact assessment sa planong pagpapawalang-bisa sa VFA.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – ipapaubaya nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya sa isusumite nilang impact assessment.


Kasama sa pinag-aralan ng DOJ ang legal procedure sa pagbasura sa kasunduan at ang epekto nito sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Facebook Comments