MANILA – Kinuwestiyon ng kampo ni retired PNP Chief Supt. Wally Sombero ang ginawang pagbabalik ng 30 milyong piso ng dalawang deputy commissioner ng Bureau of Immigration sa Department of Justice.Ang pera ay bahagi ng sinasabing suhol na tinanggap nina deputy commissioner Al Argosino at Michael Robles mula sa online gaming tycoon na si Jack Lam kapalit ng pagpapalaya sa 600 mula sa mahigit isang libong Chinese national na iligal na nagtatrabaho sa isang casino sa Pampanga.Sa presscon sinabi ng abogado ni Sombero na si Atty. Ted Contacto kung bakit ngayon lang isinauli ang pera.Kung hindi pa aniya inexpose ng mamamahayag na si Mon Tulfo ang isyu, duda siyang magkakasaulian talaga ng pera.Kasabay nito, iginiit ni Ted na malinis ang konsensya at walang kinalaman sa naturang suhulan si Sombero.Aniya, inihahanda na nila ang mga dokumentong magpapatunay na inosente si Sombero.
Ginawang Pagbabalik Ng Dalawang Deputy Commissioner Ng Bureau Of Immigrations Sa 30-Milyong Pisong Suhol Ng Gaming Tycoo
Facebook Comments