Ginawang pagdinig ng Senado kaugnay sa isyu ng red tagging, posibleng katapusan na nang panlilinlang ng CPP-NPA ayon sa AFP

Ikinatuwa ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay ang naging resulta ng pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa isyu ng red tagging.

Ayon kay Gapay, hindi na kailanman makakapanglinlang ang Communist Party of the Philippines (CPP) at mapagtatakpan na ang kanilang malisyosong intensyon.

Para kay Gapay, ang ginawang pagdinig ay malaking tulong sa AFP kontra terorismo dahil nabulgar ang mga pinaggagawa ng makakaliwang grupo.


Naniniwala rin si Gapay na great venue ang pagdinig kahapon sa Senado para maipaalam ang effort na ginagawa ng AFP para labanan ang ginagawang exploitation ng CPP sa vulnerable sectors.

Sa pagdinig kahapon, iprinisenta ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga dating rebelde at nagbigay ng salaysay na nagpapatunay umano sa ginagawang misleading process ng CPP, New People’s Army (NPA) at ng National Democratic Front (NDF) para makapag-recruit.

Facebook Comments